NCAA: KNIGHTS WALA PA RING TALO; LIONS DUMIKIT SA FINAL 4

Standings             W    L

Letran   8     0

San Beda             7     1

Mapua  6     2

y-CSB     5     4

Perpetual             3     5

SSC-R     3     5

Arellano               3     5

EAC                       3     5

LPU                       2     6

JRU                       1     7

y-play-in

 

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – Mapua vs LPU

3 p.m. – JRU vs Arellano

NAPANATILI ng Colegio de San Juan de Letran ang walang dungis na marka makaraang pataubin ang San Sebastian College-Recoletos, 73-69, sa NCAA Season 97 men’s basketball tournament nitong Martes sa La Salle Greenhills Gym.

Sa panalo ay umangat ang Letran sa 8-0 para sa isang outright Final Four slot habang nalagay ang San Sebastian sa bingit ng pagkakasibak na may 3-6 kartada.

Nanguna si Rhenz Abando para sa Letran na may18 points, 9 rebounds, 2 assists, isang steal, at isang block.

Nakakuha siya ng suporta kina Louie Sangalang na may 12 points at 8  boards at Jeo Ambohot na nagtala ng 11 markers at 6 rebounds. Nagdagdag si Brent Paraiso ng 10 points.

Sa unang laro ay lumapit ang San Beda sa pagkopo ng isang outright Final Four berth sa pamamagitan ng 67-63 panalo kontra College of Saint Benilde.

Isinalpak ni James Kwekuteye ang go-ahead triple sa huling 51.7 segundo upang igiya ang Red Lions sa ika-7 panalo sa walong laro.

Nasa ikalawang puwesto, aabangan ng San Beda ang salpukan ng Mapua, na pumapangatlo na may 6-2, at Lyceum of the Philippines University ngayong alas-12 ng tanghali. Ang pagkatalo ng Cardinals ay magbibigay sa Lions ng automatic Final Four berth.

Samantala, ang panalo ng Mapua ay maglalagay sa San Beda sa must-win situation kontra  Letran sa Biyernes dahil tangan ng Cardinals ang tiebreaker laban sa  Lions sakaling kapwa sila magtapos sa No. 2 matapos ang elims.

Tinalo ng Mapua ang San Beda, 68-54, noong Sabado na nagpalakas sa kanilang kampanya para sa isang outright Final Four slot.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (67) — Kwekuteye 13, Cortez 7, Bahio 6, Cuntapay 6, Penuela 6, Jopia 6, Ynot 6, Cometa 5, Andrada 5, Abuda 4, Gallego 2, Alfaro 1, Visser 0, Amsali 0.

CSB (63) — Nayve 14, Lepalam 12, Cullar 10, Gozum 10, Carlos 9, Benson 6, Publico 2, Lim 0, Flores 0, Marcos 0, Sangco 0, Corteza 0, Tateishi 0.

QS: 16-13, 37-27, 57-44, 67-63

Ikalawang laro:

Letran (73) – Abando 18, Sangalang 12, Ambohot 11, Paraiso 10, Caralipio 6, Olivario 5, Javillonar 4, Mina 4, Reyson 3, Yu 0, Fajarito 0.

San Sebastian (69) – Calma 22, Abarquez 9, Altamirano 8, Villapando 7, Are 6, Desoyo 5, Dela Cruz 5, Cosari 4, Shanoda 2, Calahat 1, Concha 0, Felebrico 0, Loristo 0, Gabat 0.

QS: 12-14, 32-24, 55-44, 73-69.