Standings W L
CSB 4 0
Arellano 4 1
SSC-R 3 1
Mapua 3 1
LPU 3 2
Perpetual 2 2
JRU 2 3
Letran 1 4
San Beda 0 4
EAC 0 4
Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
12 noon – SSC-R vs Perpetual
2:30 p.m. – San Beda vs EAC
SUMANDIG ang titleholder Arellano University kay Princess Bello para maitakas ang 25-18, 19-25, 25-18, 25-19 panalo laban sa Jose Rizal University sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena.
Kumana si Bello ng dalawang service aces upang tumapos na may career-high 23 points na sinamahan ng 15 digs at kinuha ng Lady Chiefs ang solong ikalawang puwesto na may 4-1 kartada.
Sa naunang laro, ginapi ng Lyceum of the Philippines University ang Letran, 25-14, 25-22, 28-30, 25-12, para makopo ang ikatlong panalo sa limang laro.
Tumipa sina Denise Dolorito at Zonxi Dahab ng tig-18 points, at umiskor sina Jewel Maligmat at Janeth Tulang ng tig-11 points para sa Lady Pirates, na kasalukuyang nasa ika-5 puwesto.
Nagpamalas si setter Venice Puzon, na nag-toss ng 23 excellent sets, ng all-around game para sa LPU, kung saan nagpakawala siya ng anim na service aces at kumolekta ng walong digs.
Nag-ambag si Charmina Diño ng 11 points at 6 receptions habang gumawa si Trina Abay ng 6 blocks para sa 10-point outing para sa Lady Chiefs.
Nahulog ang Lady Bombers, na nakakuha ng 13 points kay Riza Rose, sa 2-3.
Nagtala si JRU captain Dolly Verzosa ng 9 points, kabilang ang dalawang service aces, at 16 digs habang naiposte ni Renesa Melgar ang apat sa kanyang 9 points mula sa blocks.
Bumawi ang Lady Pirates mula sa third set loss sa dominant performance sa fourth, kung saan kumarera ito sa 8-0 bentahe at pinalobo ito sa 16-3 lead sa block ni Lois Sta. Maria.
Gumawa ang LPU, na bumawi mula sa 29-27, 20-25, 15-25, 18-25 pagkatalo sa Arellano noong Martes, ng 53 attacks, kung saan nagtala si Dahab ng efficient 15-of-29 spike rate.
Bumanat si Julianne Castro ng 12 kills at nagdagdag si Shereena Urmeneta ng 10 points at 11 digs para sa Lady Knights, na bumagsak sa 1-4.