Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 n.n. Arellano vs Lyceum
2:30 p.m. Letran vs Mapua
MAG-AAGAWAN ang Letran at Mapua sa solo second spot sa kanilang paghaharap sa NCAA men’s basketball tournament ngayong Biyernes sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.
Magsasalpukan ang Knights at Cardinals sa alas-2:30 ng hapon.
Galing ang Knights sa 86-79 panalo kontra Arellano Chiefs, habang pinataob ng Cardinals ang UPHSD Altas, 71-65.
Sa unang laro ay target ng Lyceum of the Philippines University ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa wala pang panalong Arellano.
Nakatakda ang laro ng Pirates at Chiefs sa alas-alas-12 ng tanghali.
Galing ang Pirates sa 97-92 panalo kontra Heavy Bombers noong Linggo sa pangunguna ni John Barba na kumamada ng 28 points, 5 rebounds at 3 assists.
Nasa ibabaw ng standings ang wala pang talong College of St. Benilde na may 4-0 record. Sumusunod ang Letran (2-1), Mapua (2-1), San Beda (2-2), Perpetual (2-2), San Sebastian (2-2), Emilio Aguinaldo College (2-2), Lyceum (1-2), Jose Rizal (1-2) at Arellano (0-3).