Standings W L
Benilde 4 1
Perpetual 4 2
Letran 4 2
Mapua 3 2
LPU 3 2
San Beda 3 2
EAC 2 4
JRU 2 4
SSC-R 2 4
Arellano 1 5
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Mapua vs SSC-R
2:30 p.m. – LPU vs Benilde
INAPULA ng Letran ang second half surge ng Emilio Aguinaldo College tungo sa 75-73 panalo upang kunin ang ikalawang sunod na panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Ito ang unang winning streak ng Knights magmula nang manalo ng tatlong sunod sa Season 98 tungo sa pagkumpleto sa three-peat.
Masaya si Kevin Santos, ang bayani ng 71-69 panalo ng Letran kontra dating unbeaten College of Saint Benilde noong nakaraang Linggo, sa kanyang career-high sa scoring.
“Grateful lang ako sa laro ko ngayon,” pahayag ni Santos sa broadcaster GTV. “Pero hindi pa ito ang buong laro ko.
Gagalingan ko pa sa mga next game namin.”
Nagtala si Santos ng 17 points, 2 blocks at 5 rebounds habang nagdagdag si Deo Cuajao ng 14 points, 3 assists at 2 boards para sa Knights.
Umangat ang Letran sa 4-2 upang makatabla ang walang larong University of Perpetual Help System Dalta sa second place.
Nahulog ang Generals sa 2-4 sa standings. Makaraang wakasan ang 27-game losing streak laban sa defending champion San Beda, ang EAC ay natalo sa kanilang huling dalawang laro.
Nauna rito, naiposte ng Jose Rizal University ang 92-89 panalo kontra Arellano University upang sumosyo sa seventh place.
Ang Bombers ay tabla ngayon sa Bombers sa 2-4, subalit kinailangang malusutan ang paghahabol ng Chiefs.
“It (Arellano’s comeback) is expected. Knowing naman ‘yung brand ng game ng Arellano, it doesn’t matter if they’re winning or they’re down, talagang they’re gonna keep on pushing,” wika ni JRU coach Louie Gonzales.
“Good thing naman na medyo maganda ‘yung separation in the last 50 seconds ng laro. Thank God na we were able to survive that game,” dagdag pa niya.
Iskor:
Unang laro
JRU (92) – Raymundo 21, Argente 20, Guiab 18, Barrera 14, Medina 5, Panapanaan 4, Pangilinan 3, Benitez 2, Mosqueda 2, Lozano 2, Sarmiento 1, Ferrer 0, De Leon 0, Samontanes 0.
Arellano (89) – Ongotan 20, Capulong 15, Valencia 15, Vinoya 10, Camay 9, Abiera 8, Hernal 6, Borromeo 2, Geronimo 2, Libang 2, Estacio 0, Espiritu 0, Miller 0, Rosalin 0.
Quarterscores: 27-23, 49-48, 63-63, 92-89
Ikalawang laro
Letran (75) – Santos 17, Cuajao 14, Estrada 11, Javillonar 10, Montecillo 9, Miller 8, Nunag 4, Jumao-os 2, Tagotongan 0, Galoy 0, Dimaano 0, Pradella 0, Baliling 0.
EAC (73) – Gurtiza 19, Loristo 14, Jacob 11, Doromal 7, Oftana 6, Ochavo 4, Pagsanjan 4, Bacud 3, Luciano 3, Bagay 2, Lucero 2, Postanes 1, Quinal 0, Devera 0, Umpad 0.
Quarterscores: 25-15, 47-33, 60-56, 75-73