NCAA: LIONS, BLAZERS AGAWAN SA F4 SLOT

NCAA

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – San Beda vs CSB

3 p.m. – Perpetual vs Arellano

MAGTUTUOS ang San Beda at ang College of Saint Benilde para sa ikatlong Final Four berth sa pagsisimula ng NCAA men’s basketball play-in stage ngayong Linggo sa Filoil Flying V Centre.

Maghaharap sa ikalawang pagkakataon sa isang linggo, umaasa ang Red Lions na maduplika ang kanilang 67-63 panalo kontra Blazers sa 12 noon match upang umusad sa Final Four sa ika-15 sunod na taon.

Sisikapin naman ng University of Perpetual Help System Dalta at Arellano University na makaiwas sa pagkakasibak sa alas-3 ng hapon.

Batid ni coach Boyet Fernandez na papasok ang San Beda sa play-in game na determinadong makabawi mula sa 56-59 loss noong Biyernes sa defending champion Letran na naglagay sa Mendiola-based team sa play-in.

“I’m sure my boys will be ready for everything, especially we’re gonna play St. Benilde right away on Sunday so just a one-day off,” sabi ni Fernandez.

Hindi nakapasok ang Lions sa top two sa elimination round sa unang pagkakataon magmula noong 2005, nananatiling kumpiyansa si Fernandez sa pag-usad ng kanyang tropa sa Final Four kahit bilang lower seed.

Ang mananalo sa kanilang laban ay makakaharap ang twice-to-beat Mapua sa Final Four sa susunod na weekend.

“I still believe that we have a good chance. At least my players realized that we are a good team with the way we played tonight (against the Knights) and hopefully we continue to improve on that,” ani Fernandez.

Ang Blazers ay tumapos sa fourth na may 5-4 kartada.

Ang matatalo sa 3-4 clash ay makakaharap ng magwawagi sa pagitan ng No. 5 Altas at No. 6 Chiefs para sa nalalabing Final Four slot sa Miyerkoles.

Anuman ang marating ng Perpetual sa play-in round, ipinagmamalaki ni first-year mentor Myk Saguiguit ang ipinakita ng kanyang tropa ngayong proud of his season.  Ang Altas ay nakalikom ng apat na panalo sa maikling single-round eliminations.

“Most ng mga players namin ay coming off high school tapos may mga na-retain na kaunti lang so it’s an achievement for Perpetual na paunti-unti, yung proseso na gusto naming mangyari, ay nagagawa na namin,” sabi ni Saguiguit.

Kilala sa pagkakaroon ng isa sa pinakamalaking fanbases sa liga, natutuwa si Arellano coach Cholo Martin sa pagbabalik ng audience sa pagtatangka nitong makabalik sa Final Four.

“Sobrang excited. Iba iyon kasi may nagtsi-cheer. Nabubuhayan ang mga player,” ayon kay Martin.