NCAA: LIONS WALANG DUNGIS

San Beda red lions

NAPANATILI ng San Beda College ang dominasyon sa Colegio de San Juan de Letran sa NCAA 95 men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

Naitala ng three-peat champion Red Lions ang 70-66 panalo laban sa archrival Knights sa special Saturday showcase ng liga.

Nanguna para sa Red Lions ang ‘Bandana Bros.’ sa katauhan nina Evan Nelle at James Canlas, habang nag-ambag ang iba pang starters sa panalo.

“My players did a good job and I salute them for that,” wika ni head coach Boyet Fernandez.

Nagbanta ang Letran sa 66-70, may 15 segundo ang na­lalabi, subalit naging sandigan ng San Beda ang kanilang depensa upang maapula ang mainit na paghahabol ng Letran.

Umangat ang Red Lions sa 5-0 kartada, habang bumagsak ang Knights sa 5-2.

Napalawig ng San Beda ang kanilang streak laban sa katunggali sa pitong sunod na panalo. Ang huling pagkakataon na nanalo ang Letran sa rivalry game ay sa kanilang title-clinching Game 3 win noong 2015.

Tumabo si Nelle ng team-high 18 points, 7 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag sina Donald Tankoua ng 15 points at Canlas at Calvin Oftana ng tig-11 points.

Para sa Knights ay kumamada si Jerrick Balanza ng 20 points, 5 assists at 3 assists.

Sa iba pang laro ay pinataob ng Mapua University ang Arellano University, 73-64.

Nagbuhos si Lawrence Victoria ng 29 points sa 8-of-13 field goal shooting at kumalawit ng 7 rebounds para sa Cardinals.

Iskor:

San Beda (70) – Nelle 18, Tankoua 15, Canlas 11, Oftana 11, Alfaro 6, Doliguez 6, Soberano 3, Abuda 0, Bahio 0, Carino 0, Cuntapay 0, Etrata 0

Letran (66) – Balanza 20, Ular 11, Yu 9, Olivario 7, Muyang 6, Ambohot 4, Caralipio 4, Balagasay 4, Batiller 1, Mina 0, Reyson 0, Sangalang 0, Javillonar 0

QS: 21-17, 39-32, 62-51, 70-66

Comments are closed.