NCAA: MAAGANG LIDERATO SA SAN BEDA, MAPUA

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Perpetual vs EAC
4 p.m. – Letran vs LPU

MAINIT na sinimulan ng San Beda at Mapua ang kani-kanilang kampanya sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Dinurog ng Red Lions ang Arellano University, 85-61, upang biguin ang debut ni bagong Chiefs coach Chico Manabat.

Nagtatangkang makabawi matapos ang Season 98 debacle, pinataob ng Cardinals ang San Sebastian, 80-70.

Sinamahan ng San Beda at Mapua ang opening day winners Jose Rizal University at Lyceum of the Philippines University sa maagang liderato.

Nanguna si third-year guard Jacob Cortez sa atake ng Lions na may 16 points at 5 assists, habang nagdagdag si Damie Cuntapay ng double-double outing na 13 points at 10 rebounds.

Nagbida sinWarren Bonifacio para sa Cardinals na may 16 points, 8 rebounds, 3 steals at 2 two blocks habang ipinakilala ni rookie JC Recto ang kanyang sarili sa pagkamada ng 15 points, 9 boards at 4 steals.

Iskor:
Unang laro:
San Beda (85) – Cortez 16, Payosing 13, Cuntapay 13, Andrada 12, Alfaro 11, Puno 5, Visser 4, Jopia 4, Tagle 3, Gonzales 2, Gallego 2, Torres 0.

Arellano (61) – Ongotan 16, Capulong 10, Valencia 8, Camay 7, Talampas 6, Mallari 3, Dayrit 3, Villarente 2, Abastillas 2, dela Cruz 2, Sunga 2, Yanes 0, Rosalin 0, Geronimo 0

Quarterscores: 24-15; 57-26; 74-46; 85-61

Ikalawang laro:
Mapua (80) – Bonifacio 16, Recto 15, Escamis 12, Hernandez 12, Sopriano 8, Cuenco 6, Rosillo 5, Dalisay 3, Asuncion 2, Bancale 1, Morenos 0, Fornis 0.

SSC-R (70) – Are 18, Ecobido 13, Calahat 10, Desoyo 9, Felebrico 6, Una 5, Gabat 4, de Leon 3, Shanoda 2, Sumoda 0, Gabat 0, Aguilar 0.

QS: 12-18; 39-36; 57-45; 80-70.