NCAA: PIRATES BALIK SA PORMA

Standings W L
*Benilde 12 2
*Mapua 11 3
San Beda 9 5
EAC 7 7
Letran 7 8
LPU 7 8
Perpetual 6 9
Arellano 6 9
JRU 4 11
SSC-R 4 11
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – EAC vs San Beda
2:30 p.m. – Perpetual vs Mapua

PINUTOL ng Lyceum of the Philippines University ang three-game losing streak at inilagay ang San Sebastian sa bingit ng pagkakasibak kasunod ng 93-85 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Umiskor si Renz Villegas ng 25 points habang nagdagdag si John Barba ng 20 points, 3 assists at 3 rebounds upang pangunahan ang Pirates sa ika-7 panalo sa 15 laro.

Tabla ngayon sa Letran sa fifth place, ang LPU ay kalahating laro na lamang sa likod ng Emilio Aguinaldo College, na makakaharap ang defending champion San Beda ngayon sa larong may malaking implikasyon sa nalalabing dalawang Final Four berths.

Ang College of Saint Benilde (12-2) at Mapua (11-3) ay pasok na sa Final Four. Ang Blazers at Cardinals ay naghahabol na lamang sa dalawang twice-to-beat slots kasama ang Red Lions, na sa 9-5 ay nasa kontensiyon para sa Final Four incentive.

Sa ikalawang laro, kumana si Basti Valencia ng 25 points nang pataubin ng Arellano University ang Jose Rizal University, 81-77, upang makatabla ang walang larong University of Perpetual Help System Dalta sa 6-9, one-and-a-half games sa labas ng No. 4 spot.

Iskor:
Unang laro
LPU (93) – Villegas 25, Barba 20, Peñafiel 10, Montaño 9, Guadaña 8, Panelo 6, Cunanan 4, Versoza 4, Daileg 3, Aviles 2, Moralejo 2, Caduyac 0.

SSC-R (85) – Felebrico 18, Aguilar 14, Are 12, Escobido 12, Velasco 6, R. Gabat 5, L. Gabat 4, Pascual 4, Barroga 3, Suico 3, Lintol 2, Cruz 2, Maliwat 0, Ramilo 0, Ricio 0.

Quarterscores: 16-17, 40-33, 71-50, 93-85

Ikalawang laro
Arellano (81) – Valencia 25, Ongotan 17, Geronimo 12, Capulong 10, Camay 9, Vinoya 2, Hernal 2, Borromeo 2, Miller 1, Libang 1, Abiera 0, Flores 0.

JRU (77) – Guiab 20, Argente 15, Barrera 14, Raymundo 9, Bernardo 6, De Leon 5, Ramos 3, De Jesus 3, Sarmiento 2, Panapanaan 0, Pangilinan 0, Mosqueda 0, Ferrer 0.

Quarterscores: 15-24, 41-40, 57-62, 81-77