Standings W L
Letran 6 0
San Beda 6 0
Mapua 5 2
CSB 5 3
EAC 3 4
SSC-R 3 5
Perpetual 2 5
LPU 2 5
Arellano 2 5
JRU 1 6
Mga laro ngayon:
(La Salle Greenhills Gym)
12 noon – San Beda vs Mapua
3 p.m. – Letran vs JRU
NAITALA ni Enzo Navarro ang lahat ng kanyang 10 points sa payoff period nang maitakas ng Lyceum of the Philippines University ang 70-66 panalo kontra Arellano University upang mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa na makapasok sa play-in round nitong Sabado sa NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills Gym.
Isinalpak ni Navarro ang go-ahead three upang bigyan ang Pirates ng 66-64 lead bago naipuwersa ng Chiefs ang huling deadlock sa laro sa pamamagitan ng layup ni Justin Arana, may 46.3 segundo ang nalalabi.
Umiskor si Navarro ng lay-up upang ibalik ang kalamangan ng LPU sa 68-66 nang sumablay si Gelo Sablan sa dalawang foul shots sa huling 8.3 segundo na nagtabla sana sa talaan.
Sinelyuhan ng Pirates ang panalo nang maisalpak ni Navarro ang dalawang charities mula sa unsportsmanlike foul ni Maui Cruz, may 4.9 segundo ang nalalabi.
Nasayang ang ika-5 double-double ni Chiefs slotman Arana sa season. Umiskor siya ng 17 points at humablot ng 24 rebounds, ang pinakamarami sa isang player magmula nang kumalawit si Allwell Oraeme ng 25 boards sa 90-75 panalo ng Mapua kontra LPU noong August 23, 2016.
Tumabla sa kanilang biktima at sa walang larong University of Perpetual Help System Dalta sa 2-5 sa ika-7 puwesto, ang Pirates ay nasa labas pa rin ng play-in range.
Ang mga koponan sa third hanggang sixth places matapos ang single-round eliminations ang makakapasok sa play-in stage para sa dalawang nalalabing Final Four qualifiers.
Nanguna si Enoch Valdez para sa Pirates na may 17 points at 5 rebounds habang nagdagdag si McLaude Guadaña ng 12 markers, 4 boards at 2 assists.
Sa ikalawang laro ay pinangunahan nina Robi Nayve at Will Gozum ang 71-62 panalo ng De La Salle-College of Saint Benilde laban sa San Sebatian College-Recoletos upang putulin ang two-game losing skid.
Umangat ang CSB sa 5-3, at bumawi mula sa dalawang sunod na pagkatalo kontra Jose Rizal University at Mapua University, habang nahulog ang San Sebastian sa 3-5, may isang laro na lamang ang nalalabi sa kanilang iskedyul.
Iskor:
LPU (70) — Valdez 17, Guadaña 12, Navarro 10, Umali 6, Barba 5, Cunanan 5, Guinto 5, Remulla 4, Bravo 4, Larupay 2, Silvarez 0, Garro 0, Jabel 0.
Arellano (66) — Arana 17, Sta. Ana 14, Cruz 12, Sablan 10, Oliva 6, Doromal 5, Carandang 2, Talampas 0, Caballero 0, Uri 0.
QS: 14-21, 29-39, 48-49, 70-66.