NAKAPASOK ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa win column ng NCAA Season 97 men’s basketball tournament makaraang pataubin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 82-75, kahapon sa La Salle Greenhills Gym.
Tumapos si Enoch Valdez na may double-double na 21 points at 12 rebounds na sinamahan ng limang steals.
Nagdagdag si guard Mac Guadana ng season-high 14 markers para sa Pirates.
Pinutol ng Lyceum ang three-game losing streak at iniwan ang JRU bilang tanging koponan na wala pang panalo sa liga matapos ang apat na laro.
Mainit ang simula ni Jason Celis at ng Heavy Bombers kung saan umabante sila ng 12 puntos sa pagtatapos ng first quarter, 24-12.
Bumawi ang Pirates sa second quarter kung saan nakontrol nila ang opensiba at boards sa pag-iskor ng 28 points upang kunin ang halftime lead, 40-38.
“I’m happy that they followed my instruction to play aggressive offensively and defensively,” sabi ni Lyceum head coach Gilbert Malabanan sa unang panalo ng kanyang tropa.
Nanguna si Celis para sa JRU na may 24 points habang nagdagdag si Delos Santos ng 14 markers.
Makakasagupa ng Lyceum ang San Sebastian sa Linggo, alas-3 ng hapon, habang sasalang ang JRU kontra Emilio Aguinaldo College sa Sabado, alas-3 ng hapon.
Sa ikalawang laro ay dinispatsa ng University of Perpetual Help System DALTA ang Arellano University, 87-70.
Nanguna si veteran Jeff Egan na may career-high 26 points, 4 rebounds at 2 assists para sa Perpetual na umangat sa 2-2 kartada at pinutol ang two-game losing skid.
Iskor:
Unang laro:
Lyceum (82) – Valdez 21, Guadaña 14, Remulla 10, Larupay 9, Cunanan 6, Barba 6, Bravo 6, Guinto 4, Garro 3, Navarro 3, Umali 0.
JRU (75) – Celis 24, Delos Santos 14, Dionisio 14, Agbong 11, Macatangay 5, Gonzales 3, Jungco 2, Arenal 2, Aguilar 0, Bongay 0, Guiab 0.
QS: 12-24, 38-40, 61-61, 82-75
Ikalawang laro:
Perpetual (87) — Egan 26, Razon 14, Aurin 11, Barcuma 10, Omega 6, Martel 6, Pagaran 4, Cuevas 3, Kawamura 3, Sevilla 2, Nunez 2, Abis 0, Boral 0, Movida 0.
Arellano (70) — Arana 14, Cruz 12, Doromal 12, Caballero 12, Sta. Ana 7, Concepcion 4, Oliva 2, Abastillas 2, Steinl 2, Carandang 2, Sablan 1, Uri 0, Valencia 0.
QS: 20-17, 43-27, 66-47, 87-70.