NCAA: PIRATES NAKAUNGOS SA ALTAS

LPU Pirates

UMISKOR si Mike Nzeusseu ng go-ahead bucket, may seven-tenths ng isang segundo ang nalalabi, upang pangunahan ang Lyceum of the Philippines University laban sa University of Perpetual Help, 87-85, sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament kahapon sa home court ng Altas sa Las Piñas.

Nasayang ng bumibisitang Pirates ang 15 puntos na kalamangan nang makahabol ang home team, sa pangunguna ni Jeff Egan. Subalit hindi nawalan ng loob si Nzesseu at naipasok  niya ang isang lay-up mula sa pasa ni Jayson David upang bigyan ng kalamangan ang Lyceum.

May pagkakataon pa ang Altas na agawin ang panalo sa buzzer, subalit napigilan ni Jayvee Marcelino ang three-pointer ni Edgar Charcos upang mapangalagaan ang panalo.

Sa panalo, ika-4 na sunod, ay umangat ang Lyceum sa 5-1 kartada, katabla ang Colegio de San Juan de Letran sa ikatlong puwesto.

Bumagsak naman ang Perpetual Help sa 2-4.

Tumapos si Nzeusseu na may season-high 18 points at 10 rebounds, habang nakuha ni Reymar Caduyac ang ‘Player of the Game’ award makaraang tumabo ng 14 points, 5 rebounds, at 4 assists. Nagdagdag sina Jaycee Marcelino ng 13 points, 7 boards at 4 assists, at Jayvee ng 9 points, 4 assists, at game-saving block.

Iskor:

Lyceum (87) – Nzeusseu 18, Caduyac 14, Marcelino JC 14, Marcelino JV 9, Tansingco 8, Valdez 8, David 7, Santos 5, Navarro 3, Guinto 2, Ibanez 0, Yong 0, Pretta 0, Remulla 0.

Perpetual (85) – Charcos 16, Adamos 155, Razon 13, Egan 13, Aurin 7, Peralta 6, Barasi 4, Tamayo 3, Martel 2, Cuevas 2, Lanoy 2, Sevilla 2, Giussani 0.

QS: 25-16, 43-37, 74-61, 87-85

Comments are closed.