NCAA: RACELA BAGONG COACH NG PERPETUAL

SI Olsen Racela na ang magiging bagong coach ng University of Perpetual Help System DALTA.

Kinumpirma ito ni Perpetual team manager at alumnus Scottie Thompson, at sinabing isinasapinal na ng magkabilang panig ang deal dahil pumayag na si Racela “in principle”.

Sinabi ng Ginebra guard na ang school management ang lumapit sa kanya upang ialok ang  coaching job kay Racela, na kasalukuyang nagsisilbing isa sa assistant coaches ng Ginebra sa ilalim ni  head coach Tim Cone.

“Kinausap ako ng management to try to get coach Olsen para sa team. Ayun nga, I think so far all good naman. Confirmed na ite-take na ‘yung coaching job sa Perpetual and we’re happy na on board siya,” sabi ni Thompson.

Kinumpirma rin ni Racela ang kaganapan.

In principle lang. Siguro before the year ends meron na,” dagdag ni Racela

Thompson also stressed that San Miguel Corporation has no involvement in Racela’s assignment.

Outgoing Perpetual coach Myk Saguiguit, meanwhile, will serve as one of the lead deputies for Racela after leading the squad for the past three seasons, where they made the Final Four stage once.

With these changes, Thompson is hopeful that the players can adapt smoothly as they look to gear up for the centennial season next year.

“The good thing is hindi nagkakalayo ‘yung system na ipapasok ni Coach Olsen. Makakatulong ako kung paano patatakbuhin ni coach Olsen ‘yung sistema niya,” he added.

“Of course, sana ‘yung mga bata masaya sa changes na mangyayari (because) I know na-affect din sila sa nangyari kasi mahal na mahal nila si coach Myk.” Mamanahin ni Racela, na magbabalik sa collegiate scene makaraang wakaraang wakasan ang six-year stint ng  FEU sa 2022, ang batang koponan na pinangungunahan ni Mythical Five member Jun Roque, gayundin nina rising cagers Cyrus Nitura, Christian Pagaran, John Abis, Mark Denver Omega, at  JP Boral.