MAINIT na sinimulan ng San Beda ang pagdepensa sa korona sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament makaraang pataubin ang Lyceum, 79-63, kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nagpakawala si Bryan Sajonia, isang transferee mula sa Far Eastern University, ng game-high 18 points upang pangunahan ang Red Lions sa buena manong panalo.
“Kaya namin kinuha ‘yan dahil dun sa what he can do and knowing Bryan, whatever he can do, gagawin niya talaga,” sabi ni San Beda coach Yuri Escueta patungkol sa kanyang prized wing recruit.
Higit sa kanyang offensive output ay bumilib si Escueta sa depensa ni Sajonia.
“Kinuha namin siya knowing his biggest strength is defense, he was able to do his job in guarding their shooters,”
ayon pa kay Escueta.
Nagsalpak si team captain Yukien Andrada ng tatlong three-pointers tungo sa 13-point outing.
Iskor:
San Beda (79) – Sajonia 18, Andrada 13, Payosing 8, Rc. Calimag 8, Bonzalida 7, Puno 6, Gonzales 5, Songcuya 5, Estacio 3, Jalbuena 2, Celzo 2, Royo 2, Ri. Calimag 2, Tagle 0, Culdora 0
LPU (63) – Guadana 22, Barba 13, Villlegas 8, Montano 5, Bravo 5, Cunanan 3, Moralejo 2, Palingayan 2, Aviles 2, Panelo 1, Paulo 0, Paulo 0, Gordon 0, Penafiel 0, Caduyac 0, Daileg 0
Quarterscores: 29-11; 34-29; 49-34; 79-63