NCAA: SAN BEDA TUMATAG SA 2ND SPOT

Standings W L

Mapua 7 1

San Beda 6 2

LPU 6 3

JRU 5 3

EAC 5 3

Benilde 4 4

Perpetual 3 5

SSC-R 3 6

Arellano 1 7

Letran 1 7

Mga laro ngayon:  

(Filoil EcoOil Centre)

9:30 a.m. – Mapua vs Perpetual

3 p.m. – Arellano vs JRU

NAUNGUSAN ng Emilio Aguinaldo College ang College of Saint Benilde, 78-76, upang masiguro ang kauna-unahan nitong winning record sa first round ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Kumana si JP Maguliano ng double-double outing na 17 points at 12 rebounds na sinamahan ng 2 assists habang nagdagdag si Ralph Robin ng 16 points, kabilang ang apat na triples para sa Generals na pinutol ang three-game winning streak ng Blazers.

Sa ikalawang laro, pinataob ng San Beda ang San Sebastian, 76-53, para mapahigpit ang kapit sa solo second na may 6-2 kar- tada.

Umangat ang EAC sa ika-4 na puwesto kasalo ang walang larong Jose Rizal University sa 5-3 habang nasibak ang Benilde sa top four range na may 4-4 marka.

Ang lopsided 70-86 loss ng Generals sa Stags noong nakaraang Linggo ang nagbigay ng motibasyon sa mga player.

“Especially coming from a loss against San Sebastian, and an abysmal performance, so I challenged the players in our prac- tice,” sabi ni first-year EAC coach Jerson Cabiltes. “Hanggang doon lang ba ‘yung kaya nating ipakita?

Kasi kung hanggang doon lang ‘yung kaya natin ipakita, huwag na tayo mag-aspire sa Final Four.

Sabi naman nila hindi lang ‘yung ang kaya nila, so we played our hearts out tonight and lucky for us we got the win.”

Nagposte si Robi Nayve ng career-high 23 points sa 5-of-6 shooting mula sa arc, 8 rebounds at 3 assists, habang nagdagdag si Miggy Corteza ng 15 points at 6 rebounds bago lumabas sa huling 1:49 dahil sa ankle injury.

Iskor:

Unang laro:

EAC (78) – Maguliano 17, Robin 16, Cosejo 12, Gurtiza 10, Ochavo 9, Tolentino 4, Ednilag 4, Angeles 3, Bacud 2, Quinal 1, Loristo 0, Cosa 0, Umpad 0, Lu- ciano 0.

Benilde (76) – Nayve 23, Corteza 15, Gozum 14, Sangco 8, Arciaga 6, Carlos 3, Oczon 3, Marasigan 2, Cajucom 1, Marcos 1, Turco 0, Jalalon 0, Jarque 0.

QS: 19-18; 35-39; 53-57; 78-76

Ikalawang laro:

San Beda (76) – Andrada 16, Puno 16, Cortez 10, Jopia 9, Pay- osing 6, Tagle, Gallego 4, Gonza- les 4, Visser 3, Royo 2, Llanera 0, Tagala 0, Lopez 0, Cuntapay 0, Torres 0.

SSC-R (53) – Re. Gabat 11, Desoyo 10, Are 6, Felebrico 6, Calahat 5, Sumoda 4, Una 4, Castor 3, Ra. Gabat 2, Escobido 2, Aguilar 0, Shanoda 0.

QS: 14-17; 31-32; 48-40; 76-53.