NCAA: SAN SEBASTIAN SOSYO SA LIDERATO

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – JRU vs Letran
2:30 p.m. – Perpetual vs Arellano

NAITAKAS ng San Sebastian ang come-from-behind 95-93 win kontra Lyceum of the Philippines University upang sumalo sa maagang pangunguna sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Pinuri ni first-year coach Arvin Bonleon ang kanyang Stags para sa kanilang katatagan, hindi kailanman pinanghinaan ng loob sa kabila ng double-digit deficit sa huling bahagi ng laro.

“I always remind the boys na up to the last seconds hindi kami maggigive-up, until the last buzzer. We take every game as a championship. Walang bukas, pahinga tayo bukas win or lose laro muna para sa Baste. Para ibalik ang glory ng Baste,” wika ni Bonleon.

Umangat ang San Sebastian sa 2-0 record, katabla ang College of Saint Benilde sa ibabaw ng standings.

Sa ikalawang laro ay naungusan ng Mapua ang Emilio Aguinaldo College, 69-66, upang makapasok sa win column.

Bumawi ang Cardinals, pinangunahan ni Lawrence Mangubat, mula sa kanilang season-opening 65-78, loss sa Blazers.

Naipasok ni Lauren Gabat ang pinakamalaking basket sa laro, isang three-point play, may 44 segundo ang nalalabi, na nagbigay sa Stags ng 94-93 lead.

Sapat na ang isang free throw ni Raymart Escobido, may pitong segundo ang nalalabi, upang selyuhan ng San Sebastian ang panalo.

Patuloy ang stellar start ni Paeng Are para sa Stags na muntik maka-triple-double, sa pagposte ng 25 points, 13 assists, at 8 rebounds habang nag-ambag ang kanyang backcourt partner na si Raymart Escobido ng 23 points.

Iskor:
Unang laro
SSC-R (95) – Are 25, Escobido 23, Felebrico 14, Velasco 12, R Gabat 6, L Gabat 6, Aguilar 3, Suico 2, Ricio 2, Lintol 2, Pascual 0, Barroga 0, Maliwat 0.

LPU (93) – Barba 25, Bravo 13, Guadaña 12, Moralejo 10, Cunanan 8, Montaño 7, Daileg 6, Villegas 6, Panelo 5, Gordon 1, Peñafiel 0, Aviles 0, Paulo 0.

Quarterscores: 30-30, 50-50, 74-68, 95-93

Ikalawang laro
Mapua (69) – Mangubat 15, Recto 12, Escamis 10, Hubilla 9, Cuenco 6, Igliane 6, Jabonete 6, Bancala 4, Ryan 1, Agemenyi 0, Concepcion 0, Fermin 0.

EAC (66) – Pagsanjan 14, Gurtiza 11, Oftana 8, Loristo 6, Bagay 6, Lucero 5, Bacud 4, Doromal 4, Quinal 4, Ochavo 2, Manacho 1, De Vera 1, Umpad 0, Luciano 0, Angeles 0.

Quarterscores: 24-15, 39-27, 56-48, 69-66.