NCAA SEASON 96 OPENING TATALAKAYIN SA PSA FORUM

Rey Virgilio Lachica

TAMPOK ang nalalapit na pagbubukas ng NCAA Season 96 at ang bagong partnership sa pagitan ng MILO at ng Philippine Jump Rope Association (PJRA) sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Hunyo 1.

Tatalakayin ni NCAA Management Committee (ManCom) Chairman Fr. Vic Calvo ang kickoff ng pinakamatandang collegiate league sa June 13 sa gitna ng pandemya na tatampukan ng virtual staging ng sports events tulad ng taekwondo, volleyball, chess, at basketball.

Samantala, ang pinakabagong kolaborasyon ng MILO sa  PJRA ay tatalakayin nina Lester Castillo, Rob Layco, Veronica Cruz, at DepEd Undersecretary Tonisito Umali.

Itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang Forum ay magsisimula sa alas-10 ng umaga.

Hinihikayat ni PSA President Rey Lachica, sports editor ng Tempo, ang mga miyembro na lumahok sa talakayan sa pamamagitan ng PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation. Ang public sports session ay isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

2 thoughts on “NCAA SEASON 96 OPENING TATALAKAYIN SA PSA FORUM”

  1. 463401 279396Ought to tow line this caravan together with van trailer home your entire family quick get exposed towards the issues along with reversing create tight placement. awnings 954302

Comments are closed.