Standings
W L
San Beda 2 0
SSC-R 2 0
CSB 2 0
Letran 2 1
Perpetual 1 1
LPU 1 1
EAC 1 1
Mapua 0 2
Arellano 0 2
JRU 0 3
Laro ngayon:
(EAC Gym)
4 p.m. – San Beda vs EAC (Men)
MAGMULA nang lumahok sa NCAA men’s basketball tournament noong 2009 ay hindi pa nananalo ang Emilio Aguinaldo College laban sa San Beda.
Para kay bagong Generals coach Oliver Bunyi, laging may unang pagkakataon.
“Sana suwertehin tayo,” wika ni Bunyi makaraang maitakas ng EAC ang stunning 84-82 win laban sa pinapaborang Lyceum of the Philippines University noong nakaraang Biyernes.
Umaasa ang Generals na mawawakasan ang mahabang 20-game losing skid laban sa Red Lions na target ang ika-3 sunod na panalo at solong liderato, sa kanila mismong homecourt sa pagsisimula ng Thursdays-only NCAA on Tour, na nasa ikatlong season na ngayon, sa alas-4 ng hapon.
“We will try to visualize again that we can defeat the defending champions. We’ll do our job and we’re hoping na we’re gonna do the right thing, to at least to have a chance to beat San Beda,” ani Bunyi.
Determinado ang EAC na burahin ang kanilang perennial also-ran na imahe.
Makaraang silatin ang Pirates, runners-up sa nakalipas na dalawang seasons, mismong si Bunyi ay may bisyon para sa kanyang Generals.
“’Yun ang dream namin, maging scrappy kami katulad nila (LPU),” aniya.
“If we are going to be the scrappiest, we are going to be the happiest team in the NCAA,” dagdag pa niya.
Malaki naman ang respeto ni Lions coach Boyet Fernandez sa kanilang katunggali at wala silang planong magkumpiyansa laban sa Generals.
Ang kanilang dalawang sunod na panalo, kung tatanungin si Fernandez, ay malayo pa sa nais niyang makita.
Sinimulan ng San Beda ang season sa pamamagitan ng 59-46 pagbasura sa Arellano University na sinundan ng 74-52 pagdispatsa sa Jose Rizal University.
“Winning two games is good for us, but it’s a long season. It’s better for us to see what’s wrong with the team. We’re not yet consistent with our rotation and with ball movement,” ani Fernandez.