Mga laro ngayon:
(EAC Gym)
7:30 a.m. – Mapua vs San Beda
9:30 a.m. – EAC vs SSC-R
11:30 a.m. – JRU vs LPU
2:30 p.m. – Arellano vs LSGH
4:30 p.m. – Letran vs Perpetual
ITATAYA ng Mapua at Letran ang kanilang perfect records sa magkahiwalay na laro sa NCAA juniors basketball tournament ngayon sa EAC Gym.
Sasagupain ng Red Robins ang defending champion San Beda sa 7:30 a.m. curtain raiser, habang haharapin ng Squires ang University of Perpetual Help System Dalta sa huling laro sa alas-4:30 ng hapon.
Sa nationally televised 2:30 p.m. match, target ng CSB-La Salle Green Hills ang kanilang unang winning streak sa season kontra Arellano University.
Ang iba pang morning games ay sa pagitan ng San Sebastian at ng winless Emilio Aguinaldo College sa alas-9:30 ng umaga, na susundan ng 11:30 a.m. duel ng Jose Rizal University at Lyceum of the Philippines University.
Ang Mapua at Letran ay nasa ibabaw ng standings na may magkatulad na 3-0 records.