NCAA: SOLO LEADER ANG PIRATES

LPU-EAC

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m.- UPHSD vs AU (jrs)

10 a.m.- CSJL vs MU (jrs)

12 nn.- UPHSD vs AU (srs)

2 p.m.- CSJL vs MU (srs)

4 p.m.- SBU vs JRU (srs)

6 p.m.- SBU vs JRU (jrs)

KUMANA si Jaycee Marcelino ng career performance nang malusutan ng Lyceum of the Philippine University ang matikas na pakikihamok ng Emilio Aguinaldo College, 106-97, upang kunin ang solong liderato sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Naitala ni Marcelino, ang PCCL Finals MVP, ang 13 sa kanyang career-best 24 points sa fourth quarter upang tulungan ang Pirates na makabangon sa pagkulapso sa third quarter at kunin ang ikalawang sunod na panalo matapos ang 85-80 pagdispatsa sa San Sebastian Stags sa opening day sa MOA Arena sa Pasay City.

“We can’t relax against any team in this league and EAC reminded us that we really can’t,” wika ni LPU coach Topex Robinson.

Tila kontrolado ng LPU ang laro nang kunin ang 72-41 kalamangan, ang pinakamalaki sa laro, sa third quarter.

Subalit, nagsimulang mag-relax ang Pirates, kung saan pinayagan nito ang Generals na magpasabog ng 36-8 bomba na tumapyas sa bentahe sa tatlo, 80-77, sa pagtatapos ng third period.

Dito umeksena si Marcelino.

Nagdagdag si Marcelino ng walong rebounds, limang steals at dalawang assists para sa isa sa kanyang pinakamemorableng laro.

Tumapos si reigning MVP CJ Perez na may 20 points, 5 boards at game-high six steals, habang nag-ambag sina Ralph Tansingco at Jayvee Marcelino, ang kakambal ni Jaycee, ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 23-point, 20-rebound effort sa kanilang unang panalo, si  Cameroonian Mike Nzeusseu ay gumawa lamang ng 7 points at 7 boards.

Nagtuwang sina Cameroonian Hamadou Laminou, Jerome Garcia at Jethro Mendoza ng 36 points sa third quarter para sa  EAC.

Tumapos si Laminou na may 34 points, 16 caroms at 4 blocks, habang tumipa sina Garcia at Mendoza ng 20 at 13 points, ayon sa pagkakasunod.

Iskor:

LPU (106) – JC Marcelino 24, Perez 20, Tansingco 11, JV Marcelino 10, Nzeusseu 7, Serrano 7, Ayaay 6, Caduyac 5, Ibanez 4, Valdez 4, Lumbao 3, Yong 3, Pretta 2, Santos 0, Cinco 0

EAC (97) – Laminou 34, Garcia 20, Mendoza 13, Bautista 10, Robin 9, Magullano 5, Natividad 3, Cruz 2, Tampoc 1, Neri 0, Diego 0, Cadua 0, Bugarin 0, Gonzales 0

QS: 30-13; 59-38; 80-77; 106-97

Comments are closed.