NCAA: STAGS HINDI UMUBRA SA GENERALS

Standings             W    L

Letran   4     0

San Beda             4     0

CSB                       4      2

Mapua  3     2

EAC                   3     3

Perpetual             2     3

Arellano               2     3

SSC-R     2     4

LPU                       1      4

JRU                       1     5

 

Mga laro sa Linggo:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – San Beda vs Arellano

3 p.m. – Letran vs LPU

HUMABOL ang Emilio Aguinaldo College mula sa 12-point deficit upang pataubin ang San Sebastian, 63-60, at mapanatiling buhay ang pag-asa para sa outright Final Four berth sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Naitala ni Ralph Robin ang 15 sa kanyang season-high 27 points sa payoff period na sinamahan ng 3 assists at 2 rebounds para sa Generals na umangat sa 3-3.

Binura ng EAC ang 33-45 deficit sa third quarter sa likod ni Robin, na ang three-pointer ay nagbigay sa kanila ng 52-51 kalamangan, may 4:39 ang nalalabi.

Huling umabante ang Stags sa 56-53, nang isalpak ni Robin ang back-to-back treys upang bigyan ang Generals ng 59-56 bentahe, maj 1:11 sa orasan.

Bukod sa opensa ni Robin, nadepensahan ng EAC ang San Sebastian sa huling pitong minuto ng laro.

“Sinabi ko sa mga bata to play tougher defense,” sabi ni coach Oliver Bunyi.

“Credit that to the players. Yung composure nila, nandoon. Basically, nagma-mature na players ng EAC,” dagdag pa niya.

Natutuwa si Robin, nagpakawala ng pitong  triples, na hindi kumulapso ang Generals sa pagkakataong ito.

“Ang sabi sa akin ni coach na huwag mag-hesitate na mag-shoot. Keep on taking those shots na papasok din iyan. Sinunod ko lang iyon, nagbigay sa akin ng confidence. Mabuti at nag-deliver at na-shoot ko lahat ng threes,” ani Robin.

Kumana si JP Maguliano ng 14 points at 7 rebounds habang nagdagdag sj Nat Cosejo ng 10 points, 14 boards, 2 assists at 2 blocks para sa Generals.

Nanguna si  Ken Villapando para sa Stags na may 16 points, habang nagdagdag si Altamirano, na galing sa one-game suspension, ng 9 points bago inilabas sa 7:06 mark dahil sa injury.

Natalo ang San Sebastian sa ika-4 na pagkakataon sa anim na laro.

Sa ikalawang laro ay naiwasan ng Mapua University ang pagkulapso upang maitarak ang 95-83 panalo kontra University of Perpetual Help System DALTA.

Ang panalo ay nagbigay sa  Mapua ng 4-2 kartada matapos ang dalawang sunod na talo laban sa Colegio de San Juan de Letran at Arellano University.

Nahulog naman ang Perpetual sa  2-4.

Iskor:

First Game:

EAC (63) — Robin 27, Maguliano 14, Cosejo 10, Liwag 8, Cadua 2, An. Doria 2, Taywan 0, Ad. Doria 0, Luciano 0, Bunyi 0.

SSC-R (60) — Villapando 16, Altamirano 9, Calma 7, Felebrico 6, Cosari 5, Are 5, Sumoda 4, Calahat 4, Desoyo 0, Abarquez 2, Dela Cruz 0, Loristo 0, Una 0, Shanoda 0.

QS:11-22, 29-30, 41-49, 63-60

Ikalawang laro:

Mapua  (95) — Agustin 24, Lacap 19, Nocum 13, Bonifacio 13, Hernandez 9, Asuncion 9, Pido 5, Garcia 3, Gamboa 0, Mercado 0.

Perpetual (83) – Razon 24, Egan 18, Pagaran 17, Aurin 12, Boral 4, Barcuma 4, Omega 2, Abis 2, Sevilla 0, Cuevas 0, Martel 0, Nunez 0.

QS: 26-13, 54-28, 73-55, 95-83