Standings W L
Letran 6 0
San Beda 6 0
Mapua 5 2
CSB 4 3
EAC 3 4
SSC-R 3 4
Arellano 2 4
Perpetual 2 5
LPU 1 5
JRU 1 6
Mga laro ngayon:
(La Salle Greenhills Gym)
12 noon – Arellano vs LPU
3 p.m. – SSC-R vs CSB
SISIKAPIN ng San Sebastian na manatili sa play-in zone sa pagsagupa sa inaalat na College of Saint Benilde sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa La Salle Greenhills Gym.
Ang mga koponan sa ikatlo hanggang ika-6 na puwesto matapos ang single-round eliminations ay sasabak sa play-in round para matukoy ang dalawang iba pang Final Four qualifiers.
Tangan ng Stags ang No. 6 spot sa 3-4, umaasa si coach Egay Macaraya na maglalaro nang husto ang kanyang tropa sa 3 p.m.match kontra Blazers, na galing sa dalawang sunod na talo.
Tangan ng San Sebastian ang half-a-game lead laban sa seventh-running Arellano University, na makakaharap ang Lyceum of the Philippines University sa alas-12 ng tanghali.
“They are a very good hustle team,” sabi ni Macaraya patungkol sa CSB. “Ang importante, we will try to be composed the whole game.”
Nasa fourth place na may 4-3 kartada, ang Blazers ay may pag-asa pa na makapasok sa top two, subalit ang kanilang kapalaran na makopo ang isa sa dalawang outright Final Four berths ay wala na sa kanilang mga kamay.
Magkasalo ang defending champion Letran at San Beda sa ibabaw ng standings sa 6-0, kung saan kailangan na lamang ng dalawang koponan ng isang panalo para awtomatikong makausad sa Final Four.
Ang Mapua, na sa 5-2 ay isang laro ang angat sa CSB ang lumalabas na malaking banta sa co-leaders. Ang third-running Cardinals ay sasagupa sa Red Lions sa Sabado na magdedetermina sa kanilang kapalaran kung makakapasok sila sa top 2 matapos ang maikling elims.
Sa unang laro sa alas-12 ng tanghali ay magtutuos ang Arellano (2-4) at Lyceum (1-5) sa krusyal na laro kung saan hindi na sila maaaring matalo para manatili sa kontensiyon.