NCAA: TANKOUA, EUGENE SA SAN BEDA

Donald Tankoua-Toba Eugene

MAGIGING sandigan ng defending champion San Beda ang taas sa pagkuha kina big men Donald Tankoua at Toba Eugene bilang kanilang foreign players sa 94th NCAA senior basketball tournament na aarangkada sa Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

Hindi kaduda-duda na kukunin ng Red Lions si Tankoua dahil ang 6-6 Cameroonian  ay solidong naglaro noong nakaraang taon kung saan itinanghal siyang Finals MVP, habang ang 6’9 at 22-anyos na si Eugene ay nagpakitang-gilas sa  pre-season upang mapabilib si San Beda coach Boyet Fernandez.

Ang 6’3 na si Arnaud Noah, isang Came­roonian, ang 2016 Finals MVP subalit hindi nakuha ang kanyang NCAA spot mula kay Eugene.

“His height and athleticism will help us in our campaign,” ani Fernandez.

Sasamahan nina Tankoua at Eugene sa koponan sina Robert Bolick, Javee Mocon, Clint Doliguez, Franz Abuda, AC Soberano, Jomari Presbitero at rookie Evan Nelle, na nagmula sa malakas na high school program ng San Beda.

Sisimulan ng San Beda ang kanilang kampanya laban sa host Perpetual Help, na ginagabayan na ngayon ni Frankie Lim, na iginiya ang Mendiola-based school sa apat na kampeonato, mahigit isang dekada na ang nakalilipas, sa opener sa alas-2 ng hapon.

Magsasagupa naman ang last year’s losing finalist Lyceum of the Phl U at San Sebastian sa alas-4 ng hapon.

 

Comments are closed.