NCAA volleyball JRU BINOMBA ANG SSC

ncaa JRU

PINATAOB ng Jose Rizal University (JRU) ang San Sebastian College sa straight sets upang manatili sa kontensiyon sa ‘Final 4’ ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Sumandal ang Lady Bombers kay Dolly Grace Verzosa nang itarak ang 25-18, 25-20, 26-24 panalo laban sa Lady Stags.

Humataw si Verzosa ng 17 points, 16 sa kills,  at umangat ang JRU sa 4-3 upang manatiling buhay ang pag-asa sa ‘Magic 4’.

Nalasap ng Lady Stags ang ikalawang kabiguan para sa 4-2 kartada, at bumagsak sa ikaapat na puwesto.  Kalahating laro na lamang ang angat nila sa No. 5 Perpetual Help Lady Altas at No. 6 Lady Bombers.

Umaasa ang JRU  na makababalik sa ‘Final 4’ sa ikalawang sunod na taon matapos ang breakthrough appearance noong nakaraang season, salamat kay MVP Shola Alvarez.

Kailangan nilang malusutan ang kanilang huling dalawang asignatura laban sa De La Salle-College of St. Benilde (4-1) at University of Perpetual Help sa Enero  17 upang makabalik sa semifinals.

Nanguna si Karen Cay Montojo para sa  JRU na may 14 points, pawang sa spikes.

Sa men’s division, ginapi ng San Sebastian ang JRU, 25-22, 27-25, 25-15, upang umangat sa 3-3 kartada.

Comments are closed.