NCCA MALAMIG SA PAGPAPALIT NG PANGALAN NG FILIPINAS

Rolando Borrinaga

MALAMIG   ang National Commission for Culture and Arts (NCAA)  sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikinokonsidera nitong palitan ng Maharlika ang pangalan ng bansa.

Ayon kay Rolando Borrinaga, secretary ng National Committee on historical research ng NCCA, walang magiging epekto at kabuluhan ito sa mga Filipino.

Paliwanag ni Borrinaga, nagsimula ang panukalang palitan ng Republika ng Maharlika ang pangalan ng Filipinas noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa pag-aakalang  ang kahulugan nito  ay  pagiging aristocrat o may mataas na estado sa buhay.

Binigyang diin ni Borrinaga, iba ang tunay na kahulugan ng maharlika.

“Hindi talaga iyon ‘royalty’, ‘yung maharlika parang middle class ‘yun, a political middle class na conditional na sumusunod sa datu noon puwede ring hindi. Ito ang nakalimutan na social class sa ating mga textbook. Ang equivalent niyan sa Visayas ay ‘tumawu’ parang sila ‘yung tumatao sa mga social function ng mga datu,”  pahayag ni Borrinaga. KRISTA DE DIOS