NCCA NAGGAWAD NG (Ani ng Dangal awards)

Iginawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang taunang Ani ng Da­ngal sa 58 alagad ng sining sa larangan ng arkitektura at allied arts, cinema, dance, music, at visual arts.

Ang Ani ng Dangal Awards o Harvest of Honors ay ipinagdiriwang taon-taon bilang tampok at conclu­ding rite ng National Arts Month. Pinangunahan ni commissioner Dr. Rolando B. Tolentino ang pagbibigay ng pinakamataas na pagkilala sa siyam na kategorya: Architecture, Cinema, Dance, Dramatic Arts, Literary Arts, Music, Visual Arts, Folk Arts at Broadcast Arts sa nagdaang taon.

Ang sarimanok, isang maalamat na ibon ng Maranao, ay ang tropeyo ng Ani Ng Dangal na ginawa ng National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Asia Imao. Ginawa ni Imao ang sarimanok na iisa lamang ang pakpak kasama ang National Arts Month rice stalk logo na isinama sa pakpak at balahibo. Lumilipad ang sarimanok sa ibabaw ng mundo na sumisimbulo sa pag-angat ng artistic achievement sa the global stage. – SHANIA KATRINA MARTIN