MAY bago nang pangalan ang 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).
Nabatid na in-adopt na rin ng Department of Health (DOH) ang “Coronavirus Disease 2019 o ‘COVID-19,’ bilang bagong pangalan ng nCoV matapos na magkasundo ang World Health Organization (WHO) sa pakikipag-kolaborasyon sa World Organization for Animal Health and the Food and Agriculture Organization of the United Nations, na bigyan na ng pangalan ang bagong sakit upang ma-minimize ang cultural, social, at geographical stigma nito.
“The WHO categorized the COVID-19 Health Event as “High Risk” regionally and globally, with a total of 43,103 confirmed cases in 24 countries,” anang DOH. “Local transmission of the disease was also reported in Singapore, Japan, Thailand, Hong Kong, Germany, France, Vietnam, South Korea, and Australia.”
Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, “We can already see that local transmission is happening in other countries. These developments are compelling reasons to prepare mitigation mechanisms for the possibility of community spread. We are continuously assessing the situation and crafting our own guidelines, based on available evidence, to combat the threat of the COVID-19.”
2 REPATRIATES, NAG-DIARRHEA, ISINUGOD SA PAGAMUTAN
Kaugnay nito, naglabas rin ang DOH ng update sa mga repatriates na naka-quarantine ngayon sa New Clark City.
Nabatid na dalawang repatriates, na kinabibilangan ng isang taong gulang na sanggol na lalaki at isang 34-anyos na babae, ang kinailangang isugod sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital dahil sa diarrhea at abdominal discomfort.
Kapwa nag-negatibo ang mga ito sa COVID-2019, ngunit kailangan pa ring ibalik sa New Clark City upang kumpletuhin ang 14-day quarantine period.
“We are checking on our repatriates twice a day to ensure that they are properly being cared for, and we will be providing sim and cell cards for those who don’t have mobile access within the facility. Daily activities are organized to keep them busy and lessen their boredom. We are likewise facilitating psychosocial processing to ensure their mental well-being,” pagtiyak naman ni Duque.
PUI UPDATES
Kaugnay nito, iniulat ng DOH na hanggang 12:00 ng tanghali nitong Pebrero 12, umabot na sa 238 patients under investigation (PUI) cases ang kasalukuyan pang naka-admit sa iba’t ibang pagamutan.
Nasa 165 PUIs naman ang discharged na ngunit under strict monitoring pa rin.
Nasa 208 PUIs na rin ang nagnegatibo sa pagsusuri, habang nananatiling tatlong katao, na pawang Chinese nationals na mula sa Wuhan City, China, pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa bansa.
Mayroon ring 197 kaso pang nakabinbin ang test results mula sa RITM.
May dalawang PUI ang namatay dahil sa pneumonia at isang confirmed case na rin ang binawian ng buhay.
455 CONTACTS NATUKOY NA
Hanggang nitong Pebrero 12, natukoy na ng Epidemiology Bureau, kasama ang PNP-CIDG, ang lahat ng 455 contacts ng first at second cases ng COVID-19.
Sa naturang 455 contacts, 277 (61%) na ang na-interview at 44 contacts ang natuklasang symptomatic at na-admit na bilang PUIs.
“On the third confirmed case, a total of 246 (34%) out of 731 contacts were traced, including co-passengers and individual contacts from hotels and hospitals,” anang DOH.
Sa kasalukuyan umano, 164 (22%) contacts ng 3rd confirmed case ang na-interbyu na, sa naturang bilang 149 ang inilagay sa home quarantine at 15 ang symptomatic contacts na itinuring ng PUIs at ini-admit para sa isolation at monitoring ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.