SUMAMPA na sa kabuuang 9,936 ang kaso ng novel coronavirus sa buong mundo.
Sa talaan ng World Health Organization (WHO) kung saan nasa 213 ang nasawi sa China.
Kaugnay nito, nasa 200 Amerikano namang inilikas mula China ang kasalukuyang naka-quarantine.
Sa kasalukuyan, bumubuo naman ang Pasteur Institute Foundation sa France ng vaccine laban sa coronavirus na inaasahang mailabas sa merkado sa loob ng 20 buwan.
Nauna rito, ipinabatid naman ng National Institute of Health na bumubuo na rin ang Estados Unidos ng bakuna laban sa novel coronavirus. DWIZ 882
Comments are closed.