NAGPALABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga alituntunin na dapat sundin ng mga empleyado at employer para maiwasan ang paglaganap ng 2019 Novel Coronavirus sa workplaces.
Sa Labor Advisory No. 4 ng DOLE, inaatasan ang lahat ng employers na gawin ang mga sumusunod:
- Magbigay ng impormasyon sa kanilang mga empleyado tungkol sa nCoV, kabilang ang impormasyon kung paano ito naililipat.
- Linisin ang work areas gamit ang disinfectant at tiyaking mayroong tubig, sabon at sanitizers sa mga comfort room.
- Iwasan o bawasan ang pagkakaroon ng exposure ng mga manggagawa sa mga hayop na maaaring carrier ng 2019-nCoV.
- Siguraduhin na ang mga pagkain na inihahanda sa kanilang mga canteen ay maayos na nailuluto.
- Ulit-ulitin sa mga empleyado ang mga dapat na gawin para mapanatiling malusog at malinis ang workplace.
- Kailangang bantayan ang kalusugan ng mga empleyado lalo na ang mga may lagnat at iba pang flu symptoms
Sa mga workplace na maituturing na may ‘imminent danger situations’ gaya ng sa mga health-care institutions, dapat magpatupad ng screening guidelines.
Kabilang sa dapat alamin ay kung may history ba ng pagbiyahe sa China at iba pang bansang apektado ng nCoV ang empleyado.
Kung nagkaroon ba ito ng contact sa isang taong may 2019-nCoV.
Kung mayroong maysakit na empleyado, kailangang sundin ang sumusunod:
- Bigyan ng face mask ang empleyado para hindi kumalat ang sakit.
- Agad i-isolate ang empleyado at ilagay sa well-ventilated na kuwarto, malayo sa mga katrabaho.
- Agad i-refer ang empleyado sa healthcare provider ng kompanya o dalhin sa pinakamalapit na ospital o clinic.
- I-report ang kalagayan ng empleyado sa Department of Health sa 87111001 at 87111002
- Tiyaking naipatutupad ang rekomendasyon ng DOH sa pag-transport sa mga pasyenteng hinihinalang may 2019-nCoV.
- Magpatupad ng respiratory precautions kapag may binabantayan o kapag lumalapit sa pasyente.
- Mmagpatupad ng decontamination sa work area gamit ang disinfectant. VERLIN RUIZ
Comments are closed.