“EVERYTHING is well in the country. There is nothing really to be extra scared of that coronavirus thing.”
Ito ang ginawang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t aminado siyang maraming bansa na rin ang naapektuhan ng kinatatakutang sakit na aniya’y hindi naman dapat na katakutan.
Ayon sa Pangulo, bagama’t wala pang natutuklasang gamot sa nCoV ay naniniwala siyang mamamatay rin ito kagaya ng ibang mga sakit na kinatakutan din noong mga nakaraang panahon.
“Kagaya ng SARS, I assure you even without the vaccines it will just die a natural death. Matatapos din ito,” wika ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang mahalaga ay mapanatiling malakas ang resistensiya ng katawan para hindi dapuan ng nCoV ang isang tao.
Naniniwala ang Pangulo na dahil na rin sa maagap at mabilis na progreso sa medical science ay posibleng makahanap na rin ng lunas sa lalong madaling panahon.
Binanggit din ng Pangulo ang mga kaso ng HIV na kinatakutan din ng publiko.
“The HIV five or 10 years ago was a dreaded disease and everybody was afraid of it to the extent that it cut the pleasures of the world. Everybody is afraid of HIV… so, almost everybody became a celibate overnight,” sabi pa ng Pangulo.
In the case of nCoV,. “Would it worsen in the meantime? Maybe.”
“But you know the progress of medical science now is far too different from — of the yesteryears….we have powerful medicines now that – even cancer is treatable now,” giit pa ng Pangulo.
Umaabot na sa 425 ang namatay sa nCoV sa China at isa sa Filipinas at isa rin sa Hong Kong.
Ang 44 na taong gulang na lalaking Chinese na namatay sa isang pagamutan sa Maynila ay nanggaling sa Wuhan na siyang epicenter ng nCoV, sa Hubei province sa China.
Sa ngayon ay may 80 pasyente ang kasalukuyang under investigation sa nCoV base na rin sa datos ng Department of Health.
Kaugnay nito ay inihayag ng Pangulo na kuntento siya sa mga ginagawa ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagtugon sa nCoV sa bansa.
“We have a very hardworking secretary of health and he is very sincere in his job. This is not the time he has entered government. I got him because he is just really good, that is why,” giit pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.