HINDI pa kinakailangan na isasailalim sa Alert Level 4 ang Metro Manila kahit na patuloy sa pagtaas ang bilang ng COVID 19 cases.
Sinabi ni Presidential spokesman Karlo Nograles na mino-monitor ang lahat na dapat tingnan. “As of the moment, hindi pa po siya tumatama doon sa tatlong metrics natin enough for it to declare Alert Level 4,” katuwiran ni Nograles.
Paliwanag pa nito bagamat mataas ang two-week growth rate at average daily attack rate, gayundin ang total bed utilization sa mga pasilidad, hindi pa inaabot ang metrics para sa total bed utilization rate para magdeklara ng Alert Level 4.
Una nang inihayag ng OCTA Research na sa kauna-unahang pagkakataon, umabot na sa 50 porsiyento ang positivity rate sa Metro Manila.
Epektibo ang Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila hanggang sa Enero 15.
Nakapagtala ng record high na 28,707 bagong kaso ng COVID-19 araw ng Linggo.
Hinihinalang nagparami rito ang Omicron variant na sinasabing mabilis ang pagkalat sa ngayon.
Naitala ng OCTA Research Group na sa kauna-unahang pagkakataon ay lumampas na sa 50 porsiyento ang kaso ng Covid-19 matapos na umabot sa 50.5 ang bilang nito sa National Capital Region (NCR) nitong Enero 7, 2022.
Ang positivity rate ay porsiyento ng isinasagawang COVID-19 tests at nagreresulta ng positibo sa ilang lugar o rehiyon. E QUIROZ