ISASAILALIM sa alert level one ang National Capital Region (NCR) sakaling bumaba sa 500 ang COVID-19 infections.
Sa Laging Handa Briefing ay sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ibabase sa datos ang pagbababa ng alert level sa NCR.
Aniya, magbibigay-daan sa pagbubukas ng mas maraming sektor ang mababang alert level sa bansa.
Sinabi naman ng OCTA na posibleng maabot ng NCR ang seven-day average daily case count na 200 sa huling linggo ng Nobyembre.
Samantala, nasa 30% pa rin ang okupadong COVID-19 beds kahit pa bumababa na ang kaso sa buong bansa.
Batay sa inilabas na report ng DOH, nasa kabuuang 38,256 na COVID beds, 11,417 rito ang okupado na rin.
Nanatiling okupado ang 43% ng 4,019 Intensive Care Units (ICU beds), 24% ng 13,966 ward beds at 31% naman ng 20,271 sa isolation beds sa bansa.