NCR ISASAILALIM SA ALERT LEVEL 4

KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na isasailalim na ng pamahalaan ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 4 simula sa Huwebes, Setyembre 16 na siya ring unang araw ng pilot implementation ng granular lockdowns sa rehiyon.

“Alert Level 4 ang ipapatupad sa NCR,” pahayag pa ni Año sa isang panayam.

Ayon kay Año, bagaman base sa data analytics, limang lugar sa NCR ang ikinokonsiderang nasa Alert Level 5, dalawa ang nasa Alert Level 3, at karamihan ay nasa Alert Level 4, ay nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magpatupad na lamang ng iisang alert level sa rehiyon upang maging mas madali ang implementasyon nito.

“Ang gumawa ng kasunduan, iyong mga NCR mayors, na isang alert level lang, Alert Level 4, ang gagawin nila,” paliwanag pa nito.

“For uniformity and easier enforcement within NCR, they agreed to be under Level 4. Hanggang Sept. 30 ang pilot testing,” aniya pa.

Base sa inilabas na bagong guidelines ng pamahalaan, ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 na pangalawa sa pinakamataas na alert level sa bagong polisiya na ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 ay mataas o dumarami at mayroon ring mataas na total beds at ICU beds utilization rate.

Nabatid na sa ilalim ng naturang alerto, ang mga hindi pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan, maliban na lamang kung para sa essential goods at services at pagpasok sa mga industriya at tanggapan na pinahihintulutan, ay ang mga indibidwal na below 18 years old at 65 pataas, may mga immunodeficiencies, comorbidities, at iba pang health risks.

Maaari naman umanong payagan ang intrazonal at interzonal travel para sa mga taong hindi required manatili sa bahay, ngunit subject ito sa reasonable regulations ng local government unit (LGUs) na kanilang patutunguhan.

Ang individual outdoor exercises naman ay pinapayagan sa ilalim ng alertong ito para sa lahat ng edad, may comorbidities man o anuman ang kanilang vaccination status, ngunit limitado lamang sa general area ng kanilang residente.

Pinahihintulutan din ang outdoor o al fresco dine-in services sa mga restaurants at mga kainan ngunit sa maximum na 30% venue/seating capacity lamang, anuman ang kanilang vaccination status.
Samantala, ang indoor dine-in services ay pinapayagan din sa limitadong 10% venue/seating capacity lamang ngunit para lamang ito sa mga indibidwal na fully vaccinated na laban sa COVID-19, bilang karagdagan sa pinapayagang outdoor o al fresco capacity.

Ang mga government agencies ay mag-ooperate sa 20% capacity habang iniaaplay ang work from home arrangements.

Ang mga in-person religious gatherings naman ay pinapayagan rin sa maximum na 30% venue/seating capacity kung gagawin ito ng outdoor, anuman ang kanilang vaccination status.

Maaari rin namang magdaos ng religious gatherings sa loob ng simbahan sa limitadong 10% venue/seating capacity ngunit para lamang sa mga indibidwal na fully-vaccinated na laban sa COVID-19, bilang karagdagan sa kanilang allowed outdoor capacities.

Dapat rin umanong fully-vaccinated na ang mga pastor, pari, rabbis, imams, at iba pang religious ministers at mga assistants ng mga naturang religious congregations.

Ang mga pagtitipon para sa necrological services, burol, inurnment, at libing para sa namatay nang hindi dahil sa COVID-19, ay pinapayagan ngunit dapat na ito ay limitado lamang sa immediate family members, at dapat ring may pagtalima sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan.

Pinapayagan rin ang mga personal care services ngunit limitado sa mga barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons sa 30 percent capacity lamang kung ito ay gagawin outdoor, anuman ang kanilang vaccination status, at 10% naman kung indoor.

Ang mga kliyente ay dapat ring magsuot ng face masks sa lahat ng pagkakataon, gayundin ang mga empleyado, na dapat ay fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Samantala, ang mga critical areas sa COVID-19 ay isasailalim naman sa granular lockdowns na tatagal sa loob ng 14-araw.

Magiging mas istrikto anila ang implementasyon nito at maging ang mga frontliners ay hindi na papayagang lumabas ng bahay kung ang kanilang lugar ay naka-lockdown.

Samantala, tiniyak naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na agad na pagkakalooban ng tulong ng pamahalaan ang mga residenteng maaapektuhan ng granular lockdown.

Aniya, ang mga lokal na pamahalaan ang magkakaloob ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente sa unang linggo ng granular lockdown habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang mamimigay ng food packs sa ikalawang linggo. EVELYN GARCIA

10 thoughts on “NCR ISASAILALIM SA ALERT LEVEL 4”

  1. 401717 651812Outstanding read, I lately passed this onto a colleague who has been performing a bit research on that. And the man actually bought me lunch because I came across it for him smile So allow me to rephrase that: Appreciate your lunch! 969439

  2. 464489 6980Interesting site, i read it but i nonetheless have some questions. shoot me an e-mail and we will talk a lot more becasue i might have an fascinating concept for you. 758435

Comments are closed.