INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna at Cebu City na itinuturing na “high-risk” sa pagkalat ng COVID-19.
Ang modified ECQ ay magsisimula sa Mayo 16 hanggang 31, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Nangangamba ang Pangulo na nananatili ang panganib ng virus sa bansa, na dahilan ng pagpapatuloy ng quarantine sa mga tinukoy na lugar.
“The easing up of the restrictions, hindi ‘yan sabihin na wala na ang COVID. Just because we allowed certain people, dahan-dahan lang para hindi tayo madapa. We cannot afford a second or third wave na mangyari,” pahayag pa nito.
Sa ilalim ng modified ECQ ay limitado pa rin ang pagkilos sa loob ng lugar ng residente sa pagkuha ng mga essential services at trabaho, habang bubuksan na ang manufacturing at processing plants ngunit 50% lamang ng workforce ang papayagan.
Dahan-dahan din bubuksan ang transportasyon para sa mga manggagawa ng mga magbubukas na industriya.
“Sa ilalim ng modified ECQ, limitado ang movement ng tao para sa pagkuha ng essential services ane work. Ang pagkakaiba, bubuksan natin unti-unti ang ekonomiya, magkakaroon ng operasyon ang piling manufacturing at processing plants up to a maximum of 50%, magkakaroon din tayo siyempre dahil may mga pasok na ang ilang industriya sa modified ECQ, ng kaunting limited transportation services, suspendido pa rin ang lahat ng klase sa lahat ng antas ,” ani Roque.
Samantala, general quarantine ang ipatutupad sa iba pang bahagi ng Luzon, Region 2, Region 3 maliban sa Angeles na kailangan pang i-asses sa May 14 at Region 4-A maliban sa Cavite na isasalang rin sa assessment.
GCQ rin ang Region 7 sa Visayas, Regions 9,11 at 13 sa Mindanao.
Tinanggal naman sa qurantine enhanced man o general ang mga sumusunod na lugar: Region 1, Region 4-B, Region 5 maliban sa Albay at Legaspi City na isasalang pa sa assessment sa May 14, Regions 6, 8, 10, 12 at BARMM. PMRT
Comments are closed.