NANGUNGUNA ang National Capital Region sa may pinakamaraming fire incident na naitala nitong nakalipas na taon ng 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa inilabas na datos ng BFP, ang NCR ang siyang nangunguna sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sunog sa bansa.
Ayon sa datos , nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala naman ng 3,334 na mga insidente ng sunog.
Habang malayo naman ang CALABARZON na nasa ikatlong puwesto na may 2,045 recorded fire incidents.
Nasa ika-apat naman na puwesto ang Region 7 kung saan ang fire incidents ay umabot sa 1,881 cases.
Ang Region 11 naman ang nasa ikalimang pwesto na nakapagtala ng 1,620 na insidente ng sunog.
Ayon sa BFP, ang inilabas na talaan ng mga rehiyon na may maraming naitalang insidente ng sunog ay nakalap mula buwan ng Enero hanggang Nobyembre 2024.
Pangunahing sanhi ng sunog ay open flame mula sa mga basura, bonfire at structural fire, sumunod ang electrical ignition or faulty electrical wiring, at pangatlo ang sunog na ang sanhi ay epektibong LPGtank , o kalan.
VERLIN RUIZ