NCR PA RIN ANG NAITALANG MAY PINAKAMARAMING COVID-19 CASES

DOH

INIULAT na ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 248,947 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 19 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH, nakapagtala pa sila ng 3,821 mga bagong kaso virus infection.

Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 2,079 new cases.

Sinundan ng Rizal na may 286 new cases, Cavite na may 174 new cases, Laguna na may 168 new cases at Bulacan na may 142 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 563 na bagong gumaling mula sa COVID-19.

Dahil dito aabot na ngayon sa 186,058 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.

May 80 ang naitalang nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 23 ay nasawi ngayong Setyembre; 33 noong Agosto; 10 noong Hulyo; 11 noong Hunyo at tatlo noong Mayo.

Sa ngayon, pumalo na sa 4,066 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

May 17 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na balidasyon at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.