NCR PLUS GCQ PA RIN HANGGANG AGOSTO 15

MANANATILI pa rin sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang ang NCR Plus o ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal.

Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management on Emerging Infectious Disease (IATF MEID) na palawigin ang GCQ with heightened restrictions sa Metro Manila hanggang Agosto 15.

Magwawakas sana ang naturang quarantine classification sa Hulyo 31, subalit dahil sa pagkatala ng COVID-19 Delta variant sa Metro Manila ay hindi muna luluwagan ang galaw ng publiko.

Hanggang Hulyo 28 ay naitala ng Department of Health ang 25 kaso ng C19DV sa Metro Manila kung saan ang mga apektado ay Maynila, Pasig, San Juan, Las Pinas, Paranaque, Taguig, Quezon City at Malabon.

Samantala, mananatili rin sa enhanced community quarantine (ECQ) ang tatlong siyudad at ang lalawigan ng Iloilo.

Ang mga ito ay Iloilo City sa Iloilo Province sa Region 6 at Cagayan de Oro at Gingoog City sa Region 10 simula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.

Inilagay naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte sa Region 1, Bataan sa Region 3 at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula Agosto 1 hanggang Agosto 7.

Isinailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) classification ang Ilocos Norte sa Region 1; Bataan sa Region 3; at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula August 1 hanggang 15, 2021.

Kasamang nasa GCQ with heigthened restrictions ang Ilocos Sur sa Region 1, Cagayan sa Region 2, Bulacan sa Region 3; Laguna, Lucena City, Cavite at Rizal sa Region 4-A, Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11; at Butuan City at CARAGA.

Ang mga lugar gaya ng Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City ng Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa GCQ classification mula August 1 hanggang August 31, 2021.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa modified general community qurantine (MGCQ) mula Agosto 1 hanggang Agosto 31.EVELYN QUIROZ

8 thoughts on “NCR PLUS GCQ PA RIN HANGGANG AGOSTO 15”

  1. 9791 518081You produced some decent points there. I looked on the internet for that problem and located most individuals goes along with along with your internet site. 572734

Comments are closed.