NCR PLUS IBINABA SA MECQ

IBINABA na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang quarantine classification sa NCR plus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula April 12 hanggang sa April 30.

MECQ na rin ang Santiago City sa Isabela, lalawigan ng Qurino at Abra habang general community quarantine naman sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at probinsya ng Quezon hanggang sa katapusan ng Abril.

Ang iba pang panig ng bansa ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

3 thoughts on “NCR PLUS IBINABA SA MECQ”

Comments are closed.