MAAARI nang ibaba sa Alert level 1 ang COVID-19 restrictions sa Metro Manila pagsapit ng Marso.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, malayo na ang naitalang positivity rate ng Metro Manila sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).
Nasa low risk classification na rin ang lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Cordillera.
Habang low risk ang healthcare utilization sa lahat ng rehiyon maliban sa Davao Region.