NCR, VISAYAS, MINDANAO TOP CHOICE SI YORME ISKO!

UMIBABAW sa lahat ng presidential candidates si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso base sa huling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Sabi ng survey, kumabig si Yorme Isko ng 25.39 percent sa buong Pilipinas, at piniling ‘Top Choice’ ng mga botante sa tatlong balwarte: 30.53 percent ang nakuha ni Yorme Isko sa National Capital Region (NCR), 24.63 percent sa Visayas at 22.70 percent sa Mindanao.

Dikit na dikit naman si Yorme na ikalawa sa puwesto sa nakuhang 25.84 percent sa Balance Luzon, ayon sa RPMD sa ginawa nitong survey sa buong bansa noong Oktubre 17-26, 2021.

Mas gusto ng 10,000 respondents na ihalal na pangulo si Isko sa tanong na: Who would you vote for President if the election will be held today?

Ito ang mga puwestong nakuha ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo 2022: Yorme Isko (25.30%), dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos (23.10%), VP Maria Leonor ‘Leni’ Robredo (18.31%), Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao (17.88%), Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson (7.08%), Sen. Ronald ‘Bato’ De la Rosa (3.41%), Ernesto ‘Ernie’ Abella (0.81%).

Nasa 4.02 percent naman ang tinanong na ‘Undecided’ (Don’t Know/Refused/None).

Pumangalawa naman si Yorme Isko, kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko, sa survey ng RPMD noong Agosto 1-10, 2021 sa kinabig na 14.21 percent, pero umibabaw sa NCR sa 23.31 percent, at ikatlo sa Balance Luzon (15.51%), Visayas at (15.45 %) at Mindanao (6%).

Kumbinsido si Angelito Banayo, political strategist ng Team Isko-Will, na bubulwak sa mas maraming porsiyento ang makukuha ni Isko sa darating na mga buwan.

Marami ang nagtiwala sa kakayahan ni Yorme Isko na mabigyang solusyon ang krisis sa kabuhayan sa mungkahi na kaltasan ng 50 percent taxes ang langis at koryente.

Batid nating lahat na ang mataas na buwis sa krudo at elektrisidad ay labis na nagpapahirap sa buhay ng karaniwang Pilipino at nagbabaon sa malaking gastos ng mga industriya, negosyo at serbisyo publiko.

Ang planong 50 percent na tapyas sa buwis ay inihayag ni Yorme Kois noong Oktubre 21 sa miting nito sa Tarlac City, sa loob ng nakumpletong survey ng RPMD.

“Tumalab sa sentido ng mga tao ang sinabi ni Isko,” sabi ni Banayo.

Idinagdag ni Banayo na sentrong adhikain ng tiket nina Yorme Isko at Doc Willie Ong at mga kandidatong senador – Samira Gutoc, Atty. Jopet Sison at Dr. Carl Balita – ang pananagutan at tungkulin na totoong maglingkod sa mamamayang Pilipino.

“Tao muna, ‘yung mabawasan ang hirap ng tao lalo ngayong panahon ng pandemya at kawalan ng hanapbuhay. Life and livelihood first,” diin ni Banayo.

Sa nakaraang miting ng tropang Aksyon Demokratiko sa Lipa City, Batangas noong Okt. 15, sa Pampanga, Okt. 28 at Nueva Vizcaya, Okt. 30 ay umapaw sa tuwa ang sumaksing manggagawa at karaniwang Pilipino na naghayag ng suporta sa kandidatura nina Yorme Isko at Dr. Ong.

Matatandaang lantarang sumuporta sina Konsehal Irene Belmonte ng Quezon City at Rep. Egay Erice na kandidatong alkalde sa Caloocan City sa kandidatura nina Yorme Isko sa miting na nangyari nitong Okt. 29 at 30.

o0o

KUNG ngayon ang eleksiyon, sigurado, numero uno na sa balota si Yorme Isko Moreno.
Talagang mas prefer ng marami sa tinanong ng RPMD na gusto nila si Yorme Isko.

Sa harap ng pandemyang nagpapahirap sa bansa, bawas sa presyo ng langis at koryente ang nais na ipatupad ni Isko; pautang na bilyong piso para sa pagbubukas ng mga nagsarang negosyo at pagpapatibay sa mga hanapbuhay na patuloy na nakatatawid dahil sa kalamidad, kaguluhan at salot ng digmaan.

Pangako ni Yorme Isko ay malabanan ang gutom at dagdag na pag-asa.

Uunahin niya – kung siya ang pangulo sa eleksiyon 2022 – ay ang kapakanan at seguridad ng tao.

“Mamamayan muna, itataya ko ang aking pangako at salita. Bigyan lamang ako ng pagkakataon, susuklian ko ng matapat at matuwid, at mainam na pamumuno ang pagka-pangulo at sa tulong ng pagkakaisa, pagtutulungan nating lahat, makatatawid tayo nang maayos at mapayapa at ligtas sa pandemyang ito.”

Iyan ang pangako ni Yorme Isko na handang itaga sa bato!

Dahil sa ipinakikitang kahusayan sa pamumuno… Isko sure winner na!

Tara na, sama na kayo, ikaw NaISKO sa 2022!

Pilipinas, God First!

o0o

Para sa inyong mga suhestiyon, reaksiyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.