NCRAA, BIKE RACE TAMPOK SA PSA FORUM

MAGIGING sentro ng talakayan ang bagong season ng National Capital Region Athletic Association (NCRAA) at ang Go For Gold Race Series sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex ngayong Martes (Feb. 27).

Sasamahan ni NCRAA General Manager Buddy Encarnado si Mary Grace Demetillo ng SDCA-St. Dominique College of Asia sa weekly session para talakayin ang nalalapit na 30th season ng collegiate league.

Samantala, tatalakayin nina Go For Gold founder Jeremy Go at  coach Ednalyn Hualda ang  opening series ng pinakabagong  bike race ng bansa sa public sports program na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, at ArenaPlus, ang leading sports entertainment gateway sa Pilipinas.

Magsisimula ang session sa alas-10:30 ng umaga.

Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.