KASALUKUYANG naka-admit sa Chinese General Hospital si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj.Gen. Debold Sinas.
Sa isang statement, sinabi ni Sinas na ngayong ala- 5 ng hapon ay nagpa-confine siya sa nasabing ospital para sa kanyang annual medical check up na tatagal ng tatlong araw mula Agosto 20 hanggang 22.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit pansamantalang itinalaga si Brig. Gen. Nolasco Bathan bilang Officer in Charge ng NCRPO hangggang sa pagbabalik nito.
Gayunpaman, sinabi ni Sinas na patuloy pa rin niyang i-momonitor ang sitwasyon sa NCRPO kahit nasa ospital.
At kung mayroon emergency na nangangailangan ng kanyang supervision, tiniyak ni Sinas na magiging available pa rin siya. REA SARMIENTO
Comments are closed.