INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na higit silang maghihigpit sa pagbabantay laban sa vote-buying at gun ban sa pag-arangkada ng kampanya ng mga kandidato para sa lokal na posisyon kahapon.
Ayon sa pahayag ni NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, naging batayan na nila na ang kampanya ng kandidato para sa lokal na posisyon ay ang mataas na bilang ng reklamong kanilang natatangap kagaya ng pananakot at vote-buying sa mga botante.
“We will increase the frequency of checkpoints in the Metropolis to help deter criminal minds in executing their evil designs,” pahayag ni Eleazar.
Binalaan din ni Eleazar ang mga kandidato lalo na ang kanilang mga supporters na sila ay mahaharap sa kaukulang parusa kung sila ay mahuhuli na nagsasagawa ng vote-buying.
“I wish to remind the candidates to refrain from vote-buying as this is a criminal act and we shall arrest anybody involved in vote-buying, on the spot,” ayon kay Eleazar.
Hiniling din ni Eleazar sa mga kandidato lalo na sa kanilang mga organizers na makipag-coordinate sa NCRPO lalo na sa local na pulisya upang maging maayos ang kanilang kampanya at mga rally.
Isa sa lugar sa Metro Manila na itinuturing ng Commssion on Election (Comelec) na hot spot ay ang Pasay City.
Ang dating congresswoman ng Pasay City na si Emi Calixto-Rubiano ang siyang lalaban bilang kapalit ng kanyang kapatid na si Antonino Calixto ng mayor na ang tatakbuhin naman ay bilang congressman.
Ang makakalaban naman ni Rubiano ay ang kapatid ni Mega Star Sharon Cuneta na si Cezar “Chet” Cuneta. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.