CAMP CRAME – ISANG responsableng police officer si bagong talagang National Capital Region Police Office Chief Brig. Gen. Debold Sinas.
Ito ang naging pahayag ni PNP officer in charge Lt. General Archie Gamboa matapos ang mga pahayag na tila anti-media si Sinas kasunod ng pagpapaalis nito sa Station 10 ng QCPD sa Kamuning ang tanggapan ng NCRPO Press Club.
Ayon kay Gamboa, nakarating sa kanyang ang impormasyong ito at agad niyang tinawagan si Sinas para alamin ang nangyari.
Paliwanag umano ni Sinas, hindi niya binuwag ang NCRPO Press club sa halip pinapalipat lamang ng lugar dahil ang kanilang kasalukuyang tanggapan ay gagamitin para sa Undas at SEA games.
Giit ni Gamboa nirerespeto niya ang pamamaraan ni Sinas sa pagtatrabaho nito.
May tatlong buwan naman daw si Sinas na ipakita ang kanyang galing sa pagtatrabaho dahil kasama si Sinas sa 3-month probation.
Sinabihan at pinayuhan din umano ni Gamboa si Sinas para sa magandang relasyon sa media. REA SARMIENTO
Comments are closed.