NCRPO HANDA NA SA FIBA WORLD CUP

KUMPIYANSA si National Capital Region Police Office, Acting Regional Director BGen. Jose Melencio C Nartatez Jr. na handa na ang pulisya sa pag-secure sa nalalapit na 19th Edition ng International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Binuo ang Site Task Group (STG) Metro Manila FBWC 2023, upang magsilbing pangunahing kinatawan na namamahala sa mga operasyong pangseguridad at iba pang serbisyong pangkaligtasan na may kaugnayan sa publiko sa panahon ng palaro.

Magpapakalat ang NCRPO ng kabuuang 2,225 police officers sa iba’t ibang lugar na pagdadausan ng FIBA para matiyak ang seguridad at proteksyon ng lahat ng international at sikat na basketball athletes na lalahok sa nasabing world cup.

Sinisuro ni Nartatez na hindi magkakaroon ng hindi kanais-nais na insidente sa panahon ng FIBA event.

Dagdag pa rito, isinagawa ang coordinating meetings kasama ang Philippine Sports Commission, Local Government Units, iba pang stakeholders at ahensya ng gobyerno para mag-organisa ng collaborated security preparation sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan bilang isa sa host country.

“Bilang host sa pagbibigay ng kaligtasan at seguridad para sa mga kalahok ng FIBA, sinisigurado ng NCRPO na kami ay nakahanda upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mga atleta, delegado, at lahat ng iba pang mga dayuhang bisita sa buong kaganapan at sa kanilang pananatili sa ating bansa,” ayon kay Nartatez.
PAULA ANTOLIN