NCRPO NAGHAHANDA NA PARA SA SONA 2023

PUSPUSAN ang ginagawang preparasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Hulyo 24..

Ayon kay NCRPO Regional Director MGeneral Edgar Alan Okubo, mayroon silang mga ipatutupad na rules o guidelines gaya ng gun-ban, no-fly zone at no drone zone sa loob at karatig himpapawid ng Batasan.

Sinabi pa ni Okubo na magpapakalat sila ng 22,905 pulis para matiyak ang seguridad sa gaganaping ikalawang SONA ng Pangulo.

Dagdag pa ni Okubo na nakahanda na rin ang kanilang kinuhang force multipliers na mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno gaya nang 78.28% (17,929) mula sa NCRPO; 19.54% (4,476) naman sa mga allied government units at 2.18% (500) mula sa mga force multipliers para sa nasabing okasyon.

Ang pahayag na ito no Okubo ay matapos na dumalo sa isang pagpupulong na isinagawa sa National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City kung saan personal nitong tinalakay at ipinirisinta sa mga matataas na opisyal ng pulisya sa pamumuno ni PNP Chief Gen Benjamin Acorda Jr ang mga karagdagang paghahanda na isinasagawa ng NCRPO para sa SONA 2023.

Kaugnay nito, magsasagawa rin ng mga simulation at communication exercises ang NCRPO upang makapaglatag ng mga contingency measures para sa ibat-ibang uri ng insidenteng maaaring mangyari.

“Inaasahan na natin ang pagkakaroon ng mga kilos protesta sa araw na ito kung kaya’t nakahanda na tayo para sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad. Mahigpit din nating ipatutupad ang maximum tolerance at pagsunod sa Police Operational Procedures, lalong-lalo na ang pagpapahalaga sa karapatang-pantao ng lahat ng makikilahok sa araw na ito,” ani Okubo.

Muling pinaalalahanan ni Okubo ang lahat na mula alas-12:01 ng umaga ng Hulyo 24, hanggang alas-12 ng hatinggabi nito ay suspendido muna ang lahat ng “Permit to Carry Firearms Outside Residence” (PTCFOR) sa buong Metro Manila.
EVELYN GARCIA