ISANG surprise random drug testing ang isinasagawa ni BGen. Anthony A. Aberin, Acting Regional Director, National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay ng Guard Mounting/Reporting ng mga nag-duty nitong nagdaang bagong taon sa Hinirang hall, Camp Bagong Diwa.
Ayon sa inilabas na pahayag ng NCRPO, ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng kanilang mga hakbang para matiyak na ang kanilang mga tauhan ay sumusunod sa highest standards of discipline at integrity.
Binibigyang diin sa nasabing surprise drug test ang kampanya ng NCRPO na labanan ang illegal na droga at tiyakin sa publiko na ang Philippine National Police ay nanatiling matatag sa pag papanatili ng drug free workforce.
Pinaalalahanan naman ni BGen. Aberin ang lahat sa kahalagahan ng command responsibility at mahigpit na pagpapatupad ng camp rules and regulations kung saan nagsisilbi itong ehemplo sa komunidad.
Hinimok din ni Aberin ang mga tauhan nito na pangatawanan ang pagiging professional at disiplinado sa pamamagitan ng pagtalima sa basic of police service, pag sunod sa Police Operational Procedures (POP), laging paggawa ng tama, pag-iwas sa mga illegal na aktibidad at pagiging malapit sa diyos.
EVELYN GARCIA