PINAKILOS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen.Guillermo Eleazar ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinamumunuan ni Maj.General Vic Danao na palakasin ang information campaign tungkol sa pagpapatupad ng bagong alert level system at granular lockdown upang maiwasan ang kalituhan sa hanay ng mamamayan .
Inatasan ng PNP chief ang lahat ng pulis sa Metro Manila na pag-aralan at kabisaduhin ang bagong guidelines para sa maayos na pagpapatupad nito.
“Kasabay nito ang aking kautusan sa ating mga tropa sa NCRPO na palakasin din ang information dissemination para sa implementasyon ng alert level system at granular lockdown upang maiwasan ang kalituhan ng ating mga kababayan sa pagpapatupad nito,”ani Eleazar.
Ang nasabing hakbang ay matapos aprubahan ang provisional guidelines para sa naturang quarantine classifications.
Sinabi ni Eleazar, dapat maging fully informed ang mga lahat ng police personnel sa ground lalo na yung mga pinapayagan at hindi pinapayagan sa bawat quarantine alert level.
“Before September 16, NCRPO units should have coordinated with LGUs to determine the quarantine alert in their areas of responsibility so they could effectively enforce the granular lockdowns,” dagdag pa nito.
Binigyang diin pa ng PNP Chief ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga bagong panuntunan at paraan din ito para tulungan ang mga healthcare worker na nagsilbing frontliner sa pagtugon sa COVID-19 ng mahigit isang taon na.
Kasama sa mga bagong guidelines ay ang Alert Level 4 na siyang pinakamataas na risk classification na kung saan, ang dine-in, personal services at mass gatherings ay hindi pinapayagan.
Limitado lamang din sa mga healthcare worker na umuuwi o umaalis na Overseas Filipino Workers at mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na papayagang lumabas. Ibig sabihin, kahit ang mga opisyal ng gobyerno ay hindi papayagang lumabas ng bahay sakaling magpatupad ng localized lockdown sa kanilang lugar.
Umapela si Eleazar sa publiko na makiisa at unawain ang mga bagong reglamento dahil ito ay para naman sa kaligtasan ng lahat. VERLIN RUIZ
109690 954689It can be difficult to write about this topic. I think you did an excellent job though! Thanks for this! 328000
891035 329952Nicely picked details, several thanks to the author. Its incomprehensive in my experience at present, however in common, the convenience and importance is mind-boggling. Regards and all the greatest .. 240113