NDF BUKAS SA PEACE TALKS

JOMA SISON

NAKAHANDA si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na bumalik sa usapang pangkapayapaan kung gugustuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling mag-usap ang pamahalaan at ang komunistang grupo.

Ayon kay Sison, kahit anong oras ay nakahanda ang National Democratic Front para sa pagpapatuloy ng peace talks.

Sagot ito ni Sison sa na­ging pahayag kamakalawa ni Pangulong Duterte na nananawagan sa mga rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno.

Sinabi ng pangulo na bukod sa pabahay ay magbibigay rin siya ng hanapbuhay sa mga NPA member na susuko sa pamahalaan.

Nauna dito ay binatikos ni Sison ang ginagawang panliligaw ng pangulo sa mga NPA member na bahagi lang umano ng kanyang psychological warfare.

Magugunita na natigil ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA dahil sa patuloy na pangingikil ng mga rebelde ng revolutionary tax at paglusob sa i­lang mga vital installations ng pamahalaan.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.