NDF CONSULTANT, 2 PA NA NAARESTO INIHARAP NG MILITAR SA MEDIA

NDF LOGO

CAMP AGUINALDO – INIHARAP sa media ng Philippine Army ang nadakip nilang National Democratic Front (NDF) consultant at dalawang high-ranking NPA officials kasunod ng inilunsad na joint operation ng AFP at PNP sa Barangay Calum­pang, Liliw, Laguna.

Kinilala ni AFP 2nd Infantry Division  Commander Maj Gen ­Rhoderick Parayno ang mga ito na sina Francisco Fernandez, 71, residente ng Barangay Ilaya, Dumanhog, Cebu City at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

Nahaharap sa kasong murder, illegal possession of firearms and explosion ang tatlo.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr, Commander ng 202nd Infantry (UNIFIER) Brigade, si Fernandez na umano’y dating pari ay NDF consultant, chairman at spokesperson ng Negros-regional deputy secretary for organization ay may apat na kasong murder.

Ang isa pang naaresto ay si Cleofe Lagtapon y Sabadisto alyas Guiao/ Ella /Pidang /Emay, 66, tubong Negros Occidental at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

Tumatayo umano itong  regional deputy secretary for communications at regional deputy secretary for education komite rehiyon-Negros Cebu-Bohol-Siquijor (KR-NCBS).

Kasamang nahuli ng militar  si Gee-Ann Perez  y Canedo alyas Angie, 20, tubong Lapu-lapu City, Cebu. Isa umano itong com-munications staff ng Komite rehiyon-Negros-Cebu-Bohol-Siquijor (KR-NCBS).

Ang tatlo ay nadakip ng militar at mga tauhan ni PRO-4A Regional Director Edward Carranza sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni 6th Judicial Region Regional Trial Court 60 Cadiz City ni Executive Judge Renato Munoz.

Sa ngayon anim na ang naaresto sa 23 NDF consultants na may warrant of arrest at pinagha­hanap ng batas.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.