NDF CONSULTANT NATULOG SA BUS NILIKIDA NG TANDEM

Randy Felix Malayao

NUEVA ECIJA – PATAY ang isang National Democratic Front (NDF) consultant nang barilin ang mga ito ng riding in tandem criminals habang natutulog sa isang bus na nakaparada sa bayan ng Aritao.

Kinilala ito na si Randy Felix Malayao, 49-anyos tubong San Pablo, Isabela, dating mataas na lider ng CPP-NPA sa Northern Luzon at nakilala sa alyas na Salvador del Puelo, at naaresto noon sa Southern Luzon.

Siya ay sinampahan ng mga kaso kaugnay ng mga naganap na ambush at pagpatay sa Isabela at sa pagpaslang noon kay dating Cagayan Governor Rodolfo Aguinaldo ngunit siya ay napawalang sala dahil sa kakulangan ng mga ebidensiya.

Naging editor-in-chief ng school publication na “Ang Ma­ngingisda” at ngayo’y kolumnista ng Northern Disptach sa Baguio City.

Naniniwala naman ang Aritao Police Station, na planado ang pagpatay kay Malayao dahil kabisado ng mga suspek ang pattern ng biyahe ng sinasakyang bus ng suspek na titigil sa bus stop sa bayan ng Aritao.

Sinabi ni Chief Insp. Giovanni Cejes, hepe ng Aritao-Philippine  National Police, iniimbestigahan na nila ang mga witness sa insidente para sa posibleng motibo sa krimen.

Sa kanilang imbestigasyon, pumasok daw ang isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa sinakyang bus ni Malayao at dito siya binaril. VERLIN RUIZ/IRENE GONZALES

Comments are closed.